Mula sa direksyon ni Kerwin Go, ang isa sa mga pinakahihintay na pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital. Nakatanggap ito ng parangal mula sa MMFF ng Best Sound Design. Binawi ng mga personalidad ang mga eksenang kinatatakutan gamit ang mga nakakatawang one-liners na nagbigay ng kakaunting pahinga mula sa mga jumpscares sa pelikulang ito.
Maliban sa pagiging mag-isang paranormal horror na pelikula sa MMFF 2024, mayroon rin itong star-studded cast na binubuo nina Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, and Ryan "Zarckaroo" Azurin.
Ang daloy ng kuwentong ito ay umiikot sa isang grupo ng mga showbiz personalities na itinaguyod ng karakter ni Gil. Ang kanilang pangunahing layunin bilang vloggers ay gumawa ng isang papatok na livestream series na nakapangalang “Strange Frequencies” kung saan sila’y lumakbay sa bansang Taiwan upang makahanap ng mga multo at mga kababalaghan sa kadiliman.
Isang tagapanguna… at wala na
Ang Strange Frequencies ay ang kauna-unahang “found footage horror” sa MMFF. Sa mismong pelikula’y nabanggit na ang livestream series ay kumuha ng inspirasyon mula sa patok na pelikula na Gonjiam: Haunted Asylum, isang Korean horror na may kahawig na estilo.
Ngunit sa mga manonood na mahilig rin sa horror na genre, mahirap na hindi mapansin ang iba pang mga inspirasyon na tila’y magkapareho sa konseptong ginagamit sa pelikulang ito. Tulad na lang ng “As Above, So Below,” “Incantation,” at “Blair Witch Project.” Mayroon mga elemento sa mga pelikulang nakasaad na maaari rin maihahalintulad sa mga kaganapan sa Strange Frequencies.
Ang “strange” sa Strange Frequencies
Kung ang habol mo sa horror ay ang mapatalon mula sa inyong mga upuan dala ng mga jumpscare, ito’y papatok sa iyo.
Subalit wala na masiyadong pinagkaiba ang pelikula sa mga tumatayong “found footage horror” na maaaring mapanood sa iba’t ibang plataporma.
Mistulang nalampasan rin nila ang pagkakataon na ilagay ang tagpuan ng kwento sa Pilipinas mismo at gumamit ng mga tema at konsepto na nalalapit sa isipa’t kulturang Pinoy. Kahit na ito’y likhang piksyon, dahil ang pook ng pelikula’y nasa Taiwan, hindi ito lubos na nakagamit ng mga ideya kung saan pamilyar ang mga Pilipinong manonood.
Kung nais niyong maranasan ang nakakagulat at nakakataas-balahibong pelikulang ito, maaari pa rin mapanood ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sa mga piling sinehan hanggang Enero 14.